“What I’m trying to say is that, I truly, honestly, love you.”
Nagulat si Elise sa narinig. Hindi niya inakalang maririnig niya ang mga katagang iyon sa isang kaibigan. All this time, nakatago ang tunay na nararamdaman para sa kaniya ng taong nakaluhod sa kaniyang harapan.
“I’m sorry. I’m very sorry.”
Dagling tumakbo palayo si Elise. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung paano mag re-react. Hindi na siya lumingon. At wala na rin siyang balak na pumunta sa lakad ng barkada sa gabing iyon.
Humihingal si Elise. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang pamilyar na lugar. Ang tambayan. Umupo siya sa nakasanayang upuan, isang mahabang bench na malapit sa puno ng niyog. Naisip niyang magpalipas oras muna. Maraming mga bagay ang nangyari ngayong araw. Tapos dumagdag pa siya. Napaisip si Elise. Bakit nangyayari sa akin to? Bakit nangyayari sa akin to? Bakit nangyayari sa akin to? Tila walang kawala si Elise. Hindi niya nagawang pumiglas sa mga kadenang nakapulupot sa kaniya. Isang luha ang tumulo. At isa pa. At isa pa. Hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang ulan ng kaniyang pagdadalamhati. Hindi na niya kaya pa ang lahat ng ito.
Ten-Ten! Ten-Ten!
May nag-text. Aba, tulad ng inaasahan. Siya nga.
“Elise, I’m really sorry if what I’ve said offended you in anyway. It’s just that, I couldn’t contain my true feelings for you any longer. Sawang-sawa na ako magtiis at maghintay. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang dinadanas ko habang kasama kita’t hindi ko man lang masabi sa’yo kung gaano kita kamahal. Please, allow me to explain myself. Sana maintindihan mo ako. Bumalik ka na dito please.”
Patlang. Isang malumanay na hikbi ang bumasag sa katahimikan ng dalampasigan. Wala siyang maisip na paraan para maayos ang mga gulong kinakaharap niya ngayon. Heto ang perennial dean’s lister, nakaupo, umiiyak, at walang magawa. Narealize niya na walang maipapayo si Leithold, si Petrucci o kung sino man sa kaniya. Maging ang mga differential equations at theory of relativity walang magagawa sa problemang kinakaharap niya. Oo nga’t maaasahan ang barkada’t hindi lang siya ang miyembro nito, pero alam na rin niya ang sasabihin ng mga ito. Huwag mo nang isipin iyon.
Katangahan. Bakit nga ba iyon ang lagging pinapayo ng mga kaibigan sa’yo? Hindi ba nila naisip na imposibleng hindi isipin ang isang bagay na bumabagabag sa iyo kasi kung ganoon lang kadaling gawin iyon ay bakit pa nga ba ako namomorblema ng ganito? Tuluyan nang nawala sa kailaliman ng dagat ang dating rationalistic na si Elise. At least nalaman niyang tao lang din siya na natitibag ng mga “mabababaw” na bagay tulad ng pagibig. Pesteng pagibig iyan, sambit ni Elise.
Napatingin siya sa lumulubog na araw. Walang duda, Siya na lamang ang makakatulong sa kaniya. Ipinikit ni Elise ang mga mata, taimtim na nanahimik at nagdasal. Lord, tulungan Niyo po ako. Hindi ko na kaya pa ang mga nangyayari. Sobrang nalulungkot ako. Ano ang gagawin ko? Please Lord, help me. Give me a sign.
Inimulat na ni Elise ang mga mata. Tinignan ang environment. Tama ang religious friend niya na si Harold. Hindi maganda na magdasal para lang humingi ng sign. Sa kaniyang pagkasadlak sa kalungkutan, napayuko na lamang si Elise. At sa kaniyang paanan, may nakita siyang 1000 peso bill. Deadma lang si Elise. Laki sa isang masaganang buhay ang dalaga kaya’t wala lang sa kaniya kung makapulot siya ng ganong kalaking halaga. Barya lang iyon sa kaniya kumbaga. Kawawa naman siguro yung nakawala nito. 1k din ito. Pinulot ni Elise ang bill. At sa segundo na hawakan niya ang kuwarta, muli siyang napaisip. Teka, sa hirap ng buhay ngayon, at sa obvious na halaga ng 1000 pesos, napakaunlikely na may makawala ng ganito kalaking halaga nang ganoon lang. Siguro kung kapareho ko ng estado ang nakawala-
Napatigil si Elise. Katangahan nga na mawalan ka ng 1000 pesos dahil nalaglag ito sa bulsa mo pero wala lang naman kay Elise kung mangyari ito dahil may ATM naman siya at credit cards. Isa pa, ano nga ba ang 1000 pesos laban sa halaga ng mga bagay na nagpapasaya sa kaniya. Muling napaisip si Elise. Tao lang siya na nasasaktan, na nalulungot, na umiibig. Hindi siya naiiba sa marami. May karapatan siyang magtampo at umiyak. Pero may karapatan nga ba siyang magalit habangbuhay o manisi ng walang humpay sa kaninoman? Walang taong perpekto. Maari tayong mainis at maasar sa kanila pero mayroon din silang rason para gawin ang mga ginawa nila. Kaya basically, walang pwedeng sisihin. Muling napatunayan ni Elise na tama si Harold. Napakabait nga talaga ni Lord. Gamit ang panyo, pinunas na ni Elise ang mukha, inayos ang sarili, nagtext sandali at umalis na.
Sinalubong siya ng barkada.
“Elise okay ka lang?”
“Kanina ka pa naming iniintay..”
“Magusap mo muna kayo bago tayo umalis.”
“Sna magkaayos kayo. Dapat walang magkaaway sa barkada.”
Alam na ni Elise ang gagawin. Matapang na siya. Marami pang problema ang gumagambala at gagambala sa kanya pero walang mangyayari kung pagsasabayin niya ang lahat ng ito. Dapat, one at a time.
“O sige Erika, I want to hear your explanation,” sabi ni Elise.