Cannot find server

WARNING: This blog contains material which are incomprehensible to the dimwitted. If you happen to be a moron, please stop reading and navigate to other sites instead.

Friday, December 28, 2007

Isang pagpupugay sa Kulturang Pilipino: Pinoy nga ba si Juan dela Cruz?

"Gud murneng klasmeyts. May neym is Isagani Katigbak.."

Bago pa man matapos ang pagpapakilala ni Isagani, pinatigil na siya ng nakabubulabog na paghalakhak ng kaniyang mga kaklase. Isang hindi maipaliwanag na ngiti na lamang ang iginanti ni Isagani sa kalupitang ito. Minabuti na lang niyang tapusin kaagad ang pagpapakilala at agad na umupo.

Nakakalungot isipin na ang mga 'katutubong' pangalan tulad ng Bayani, Bakoko, Makisig, atbp. ay itinuturing na 'nakakatawa' sa kabila ng katotohanang ang mga bansag na ito ay hindi hango sa kahit anong salitang banyaga. Balikan natin ang ating mga napagaralan sa HEKASI. Dahil sa hindi maintindihan ng mga Kastila ang mga pangalang ginagamit ng mga Pilipino, ipinagutos ni Gobernador-heneral Claveria na palitan ng lahat ng Pilipino ang mga pangalan nila ng mga pangalang Espanyol tulad ng Maria, Rosita, atbp. at mga apelyidong tulad ng dela Cruz, Reyes, atbp. Maging ang ating pambansang bayani ay nakilala sa laniyang 'banyagang pangalan.' Matapos tayo pagsawaan ng mga Kastila, ipinasa nila tayo sa mga Amerikano, na sa pagtuturo nila ng Ingles, ay nagawa nilang impluwensiyahan pa ang ating mga 'pangalan.' Ang Carlos Miguel ay naging Carl Michael, ang Maria Rosita ay naginng Mary Rose. Hindi naman masyadong pinakialaman ng mga Hapon ang ating mga pangalan, pero malinaw sa paningin ng isang totoong anak ng Pilipinas na nawawala na ang pagkaPilipino sa ating mga pangalan.

Matapos tayong makawala sa gapos ng mga dayuhan, nanumbalik ang kalayaan sa pagpili nating mga Pinoy. Maaari na nating ibalik sa dati ang mga bagay na binago ng mga banyagang mananakop. Pero, pinli natin na huwag nang ibalik sa dati kung anuman ang napalitan, katulad ng ating mga pangalan. Marahil nasanay na tayo sa tagal ng ating pagkakasakop, o hindi kaya natutunan nating magustuhan ang mga itinuro sa atin ng mga dayuhang nabanggit. Sa madaling salita, hindi na nakakagulat ang pandidiri natin sa mga 'katutubong' pananalita. Hindi rin naging maganda ang epekto sa atin ng media sa pagtanggap natin sa sariling atin, dahil sa idinidikta nito kung ano ang 'cool' at kung ano ang hindi.

Matapos ang klase, lumabas si Isagani sa kabila ng pagbubulungan ng mga kaklase. Si John Andrew, si Rossanne Lei, si Annika Louisse, si Ichigo Irumi.. Sa kalooblooban ni Isagani, siya ang natatawa, siya ang humahalakhak. Dapat nga lang naman, nag-aaral sila sa isang paaralan sa Pilipinas.


Reference (Sanggunian ba tagalog ng reference? hehe):
Pangalang Pilipino, from the article Ano Ito? by Luciano Uyan as read on Tempo, December 28, 2007

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ehehe. icp ko nsanay nlang un e. ilang henerasyon din ang lumipas bago tau nging malaya dba?icp ko mejo mhrap tanggalin ung mga nkaugalian na. kastila plang more than 300yrs na sakop nla. [tama dba? waah. history. haha]

icp ko aus lang nman un. tgnan mo, ndi lang sa pangalan, pati sa mga salita nten, andaming npulot. tas bka isa pa un sa mga dahilan kng bat successful ang mga pinoi sa ibang mga bnsa. mgaling clang umadapt sa ibang kultura. plibhsa ilang dayuhan din ang nientertain nten. haha

pangalan? aus lang un. right alexander? ;)

1:33 AM  

Post a Comment

<< Home