Cannot find server

WARNING: This blog contains material which are incomprehensible to the dimwitted. If you happen to be a moron, please stop reading and navigate to other sites instead.

Saturday, August 20, 2005

sa dalampasigan

sa dalampasigan ako'y nagpunta
upang makalimot sa mapait na alaala
nakaupo lang sa mainit na buhangin
at sa pulang kalangitan ako'y nakatingin

habang nilalasap ang simoy ng hangin
muntik ko nang hindi napansin
sa aking pagkakasadlak sa pagiging sawi
ika'y aking nakita, nakatingin at nakangiti

ika'y umupo at saki'y tumabi
tinitigan ang araw na nilalamon ng gabi
sa puntong iyon ako'y natulala
ano ang gagawin ako'y nababahala

ako'y nagisip kung ano ang gagawin
nang sa mga bituin ako'y napatingin
sa pagkislap ng mga maliwanag na estrella
aking napagtanto na ngayo'y oras na

kaya ako'y tumingin sayo'y napalingon
ako'y nabighani sa pagdampi ng alon
sa pag haplos ko sa'yong magandang buhok
ako'y nagulat sa mukha mo'y nakatutok

akin muling tinignan naggagandahang bituin
bakit nga ba ito nangyari sakin
para bang ako'y sa saklaan naluge
nang aking nalamang isa kang lalake!!

*nyii*

dahil sinipag nako magpost sa blog, d2 na ren!!

sa iyong mga mata..
aking nasisilayan isang bagong umaga..
sa'yo natagpuan..
aking matagal nang hinahanap..
noon pa man akin nang hinahangad..
mahawak saking kamay iyong liwanag..
araw-araw, gabi-gabi..
laging hinahanap ang iyong ngiti..
pilit kong kinakalimutan..
kahapong nababalutan ng karimlan..
ngunit nang ikaw ay dumating..
isang magandang himig aking narinig..
sino nga ba ako..
upang ibigin mo?
isang hamak na mortal..
na baliw sa iyong kamahalan..
langit at lupa..
ako'y di nararapat..
kahit man lang makalapit..
ito'y sapat na..
ano pa ba ang dapat kong gawin?
upang iyong mapansin..
aking nagaalab na puso..
inaalay lamang sa iyo..

Saturday, August 06, 2005

tignan mo sila

tignan mo sila
magkahawak ang kamay
sila'y magkaakbay
nagtatawanan sa ulan

tignan mo sila
may ngiti sa mga labi
naglalambingan lagi
ang saya naman

ang galing
kelan lang nman sila ngkita
hay nakakatuwa
tignan mo sila

tignan mo sila
kumakain sa labas
parang walang wakas
kasweetan nila

tignan mo sila
naghahalikan ng todo
pumasok sa isang kwarto
talaga lang naman

ang galing
kay bilis ng mga pangyayari
hay nako
tignan mo sila

tignan mo sila
mga batang nagiiyakan
siya'y nahihirapan
habang siya'y iniiwan

tignan mo sila
may pasa sa mukha
basa ng dugo't luha
kawawa naman

ang galing
sobrang nasasaktan na siya
hay nako
tignan mo sila

tignan mo sila
siya'y naghihingalo
asawa'y nagloloko
buhay nga naman

tignan mo sila
mga bata'y nasa lansangan na
at lalaki'y humiwalay pa
ngayo'y papaano na?

ang galing
siya'y nahihimlay na
hay buhay
tignan mo sila

ngayon siya'y wala na
ang ga*o'y nakahanap ng iba

tignan mo sila
magkahawak ang kamay
sila'y magkaakbay
nagtatawanan sa ulan

ayun..

finally..

sinipag nako magpost..wooh..alalang..hehe..