Naalala ko nung unang beses ko siyang nakita. Nakaponytail, naliligo sa makamandag na amoy ng kaniyang perfume, sakal na sakal ang leeg sa dami ng kwintas na suot, at ang kaniyang mukha binugbog ng make-up. Hindi na ako nagulat na maraming kalalakihan ang humaling na humaling sa kaniya. Maging ang barkada ko siya ang pantasya. Hindi ko alam kung paano nila nagustuhan ang kaniyang artipisyal na kagandahan. Sila naman, nagtataka kung paano ako nanatiling manhid sa presensya ng isang "anghel na hulog ng langit." Ewan. Siguro di ko lang talaga hilig ang mga babae na ang turing sa kanilang mga accesories ay mas importante pa sa pagkain. Dahil sa dami ng pabango na binubuhos nila sa kanilang sarili, masasabi kong di nila pinapahalagaan ang oxygen na nanganganib na dahil sa polusyon. Pero pisikal na aspeto pa lang yan ng problema ko sa "babaeng" yan. Kapag narinig ko na siya magsalita, parang iniinsulto niya ang mga dedikado at masisipag na taong nagbigay daan sa pagpapalaganap ng proper english grammar. "How init naman in this kwarto!" Aray ko. Pasalamat siya babae siya. Oo nga't wala akong karapatang husgahaan siya dahil di ko pa naman siya nakikilala ng lubos. But her presence invokes so much irritation in me that I canot tolerate. Kinkutya na nga ako ng barkada ko eh. "Tol ba't ka ba galit na galit sa kaniya eh wala naman siyang ginagawa sa'yo? Kraz mo siya no?" "Tol remember the more you hate the more you love. Yihee!" Kung alam lang nila. "Teka paano niyo naman nasabi na the more you hate the more you love? That kind of belief is very circumstantial, if not ludicrous." Ang sagot nila? "Heh!" "Kaya ka hindi pa nagkakagirlfriend eh masiyado kang mapagmataas!" Natawa na lang ako. Mahirap na.
Sa may bakanteng lote sa paaralan sa tabi ng personnel's lounge. Doon ako nakatambay kapag ako lang magisa. Di kasi masiyadong pinpuntahan yung lugar dahil alam ng marami na tambayan yun ng mga janitor at sikyu sa paaralan. Siyempre, pumupunta lang ako doon pag walang tao. Hindi ko alam kung bakit pero, I feel an unexplainable peace. Para bang ako lang ang tao sa buong mundo. Hindi ko masabi kung masaya ba ako o malungkot. Ang alam ko, kapag nakaupo lang ako sa bench ng bakanteng lote na yon, walang pwedeng gumambala sa akin.
"Excuse me, is this seat taken?"
Nagulat na lang ako. Parang nagising ako mula sa pagkatulog. Paglingon ko, isang babaeng estudiyante anfg tumambad sa aking paningin. Shoulder-length hair, fair complexion, brown eyes, firm breasts. Isang ordinaryong babae.
"Uh, sure. Nga pala hindi mo naman kailangang mag-english. Wala tayo ngayon sa club meeting."
Tama. Nakita ko na siya. Sa english club. Madaldal siya noon.
"Pasensiya ka na. Nasanay lang ako. Tulad nga ng sabi mo, 'to learn proper english grammar, one must use the english language on a consistent message."
Aba. Smart-aleck. I like this girl. Reminds me of me.
"I didn't catch your name the last time. Ano uli pangalan mo?"
"Claire. Claire de Jesus."
"Oh. Nice to meet you, Claire."
Bland. Monotonous. Ni hindi man lang tumayo ang isang strand ng buhok ko sa batok. To be fair nakikinig naman ako sa mga sinasabi nia.
"Uhh, Mr. President?"
"Tawagin mo nalang akong XJ."
"Ok, XJ. Nice nickname."
"Full first name ko kasi ay Xander James."
"Ah. XJ?"
"Ano yon?"
"Bakit ka tumatambay dito? Di ka ba naaalibadbaran sa mga janitor?"
Naalala ko yung babaeng pilt na kinukumpara ang sarili kay Britney Spears.
"Bakit naman ako maaalibadbaran sa kaniya? Tao din naman pala sila eh."
"Oo nga. Pero-"
"Pero di sila classy, clean, at mayaman tulad natin? Kung sila ang nasa lagay natin at tayo naman ang nasa lagay nila, ganiyan din kaya ang kanilang sabihin."
Natahimik siya. Ng matagal. 15 minutes siyang di kumibo.
"Oi alis nako. Klase na namin eh. Ikaw wala ka pa bang klase?"
"Wala. Nagleave yung math teacher namin. Di pa inaappoint yung substitute."
"Ah ok. Sige, alis na ako."
I felt weird nung umalis na siya sa pagkakaupo. Guilt? Siguro. Basta. Ang pangit ng feeling.
Later that afternoon. Dissmissal. Nakita ko nanaman si Christina Aguillera. At nakita din niya ako.
"Oh look. It's Mr. President of the english world of the Philippines!"
Aray ko.
"Will you make turo to me how you became so galing with your english?"
"I will, if you'll stop suffocating me with your nauseaus perfume."
"Wow naman you're sooo deep! You're like the dagat that's sooo lalim!"
Tawanan. Yung barkada ko, di ko alam kung natawa sila sa joke ng feelng diva na yun o sa pagkapikon ko.
"You know Mr. President I like to make stay with you here and make chika to you but I have a date with so many lalake in my neighborhood! So adyu!"
"It's adieu. Not adyu."
Sumabog na ang lugar sa katatawanan ng barkada.
"Pare ayos lumalapit na siya sayo!"
Kinabukasan, nakita ko na naman ang sarili ko na magisa. So it's instinctive na didiretso ako doon sa tambayan ko. Pagdating doon,
"Ui XJ!"
"O Claire. Nandito ka."
"Wala lang. I just want to discuss something with you."
"Ano naman iyon?"
"Well, kinausap ako ng club adviser. Hanapin daw kita. Pag-usapan daw natin yung magiging topic for the debate sa english week."
"Ahh. Ikaw pala yung na-assign doon. O cge, ano ba ang topics?"
"It's about beauty versus brains."
"Wow, new. Definitely brains."
"Bakit naman?"
"Intelligence is much needed because of its contribution to society. Intelligence helps us to know more about others and ourselves. Intelligence-"
"Doesn't care about physical appearance."
"Aba you're catching up. Case closed. Mag-isip na tayo ng bagong topic."
"I don't think so. Maganda ang argument ng beauty, kung alam mo lang."
Di ko na siya sinagot. Waste of time and saliva lang kung makikipagbarahan pa ako sa kania.
"Ok. Beauty vs brains it is."
Simula noon, madalas na kame magkita doon. Same topic ang pinaguusapan. Kahit tatlong buwan pa ang hihintayin para sa english week.
"XJ tanong lang."
"Shoot."
"Why is it that you're hostile against 'the beautiful?'"
"Kasi itsura lang ang pinagbabasehan nila ng kanilang judgments. Di bale ng irrational basta sila ang tama."
"Yun ba talaga, o insecure ka lang?"
Asar.
"How can you accuse me of being insecure kung di mo naman ako kilala?"
"How can you accuse 'the beautiful' of being one-sided,close-minded, narcissistic jerks?"
Ouch. Naisip ko na ang sasabihin para barahin siya. Pero for some reason, hindi ako makapagsalita.
"I'm sorry. Nadala lang ako."
"It's okay. You have a good point there. You should write that down."
Ewan. Nasaktan ako. Pero di ako nagalit o nairita man lang sa kaniya. Hala. Eto na nga yata ang tinatawag nilang guilt.
"Oi sige, alis na ako. May klase pa kami."
"Uh, Claire? Kita uli tayo dito bukas ah."
Nagulat ako sa sinabi ko.
"Sige. Wala rin naman kaming klase ng hapon. Kita na lang tayo."
Naalala ko noong first time kong pumasok sa english club. Bano pa ako noon. Reckless, immature, insensitive. Exact adjaectives na binato sakin ng club adviser. Three years later, di nagbago ang mga katagang yon.
"Ma'aam Olivarez? Oh c'mon. Ako ang president ng club. Ako ang representative ng school in debates and other english-related contests. How can you say those three things to me?"
"XJ nainlove ka na ba?"
Huh? Anong kinalaman no'n?
"Wala lang. Iniintriga lang kita."
Wicked sick talaga si Ma'am Olivarez. Ewan. Hinahangaan ko siya dahil sa kaniyang wit and intelligence. Napakahusay niya. Kaya nga't napatunganga na lang ako sa sagot niya.
"In love? Ako?"
"Oo nga pala. Aalis ako ng maaga. Kaya dito na kayo ni Claire mag-discuss."
"Nakausap niyo na po si Claire?"
"OO naman."May undertone. Pero di ko na pinansin. Parating na kasi si Claire.
"Claire hi."
"Oh XJ!!So that's your name!!Ayy!!It's so asteeg like youu!!!"
Aray ko naman.
"Ma'am anon'g ginagawa niya dito?"
"Well Mr. English president of the whole wide Philippines, pinapasabi po sa akin ni Claire that she can't make usap to you because she has to make go with her ama to their home!"
"Ha?"
"XJ umuwi na daw si Claire."
"Oh."
"SO in this very moment of our buhay, we will make usap about my beauty and your utak!"
Double aray.
"O sige XJ. Ikaw na ang bahala dito. Ikaw na ang bahala kay Claire."
Umalis na si Ma'am. Oh my.
"So Claire din ang pangalan mo."
"Beauty is no apparition of one's sick, perverted delusions. Beauty, naturally, is a reflection of one's own confidence and conviction to the things he or she knows."
Teka tama ba itong narinig ko? Observe first. Curled, dyed hair. Mascarra. Bubblegum lipstick. Full, round breast. Nope. Di siya si Claire. Imposible.
"Good points, but some people use their beauty in sick and perverted ways, as if beauty is the only thing that keeps them alive."
"If your brain is as good as it is, then you'll realize that beauty is not what you think it is: a curse."
Bago pa ako makapagsalita, ang artipisyal na kagandahan na aking pinagtuunan ng naguumapaw na galit ay dagling lumapit sa akin.
Wala akong magawa. Kundi humalik pabalik.
Bigla kong nadama ang pangit na feeling. Hindi. Hindi pala siya pangit. Hindi siya guilt. Mas grabe pa itong nadarama ko. Sa pagyakap ng aming mga labi, naalala ko ang nakaraan. Tatlong taon na ang nakakaraan. Nang makita ko ang babaeng iyon sa unang pagkakataon. Kaya pala ako nagagalit. Dahil nga insecure talaga ako.
Natapos ang halik. Hindi ko nakita ang Claire na binugbog ng make-up. Imbes, ang nakita ko ay ang sarili ko na kailangan ng make-up para takpan ang kapangitang taglay nito. Pero bago tulyang mamulat ang aking mga mata, nawala na siya. Umalis.
"Pare Claire pala panagalan niya!"
"Hah? Oo nga."
"Pare may aaminin kame sa iyo."
Nanigas ang buo kong katawan. Ang pangit na feeling bumabalik. Gusto kong bumalik three yers ago. Mali. Hindi dapat mangyari ito.
Ako mismo ang lumikha nga Claire na kinaiinisan ko. Ginawa niya ang lahat. Sinalungat niya ang tradisyong kinagisnan na ng marami at tinuloy ang kaniyang pagmamahal. Kahit pa harapin niya ang kahihiyan para lang harapin ang katotohanan.
"Beauty is no apparition of one's sick, perverted delusions. Beauty, naturally, is a reflection of one's own confidence and conviction to the things he or she knows."Naiintindihan ko na.
English week. Debate day. Change of plans.
"Our brain is the one thin that keeps us afloat. Without it, we are basically dead. Yet, it has come to my attention that brains alone is not enough. What's the use of knowledge if you can't share it to the world? In order to do so, we must feel beautiful. Yes, beautiful. For the essence of beauty is not on the physical aspect alone. It ist the manifestation of one's own confidence and conviction."
Nanalo ang beauty side. Yan mismo ang sinabi ni Claire. Ako? Hindi na ako sumali. Hindi ako karapatdapat na magsalita. Wala akong karapatan na magmarunong dahil hindi ko pa alam ang lahat. Just because I deliberately forgot the past and the one person that made it perhaps the best thing that I lack.
Nakita ko nanaman ang sarili ko na magisa. As usual, diretso sa tambayan.
"Hi XJ."
*****
Patawarin mo ako. Kinalimutan kita. Sana lagi kitang makita sa bench na yan. Hanggang sa ako'y mawalan ng hininga.