Cannot find server

WARNING: This blog contains material which are incomprehensible to the dimwitted. If you happen to be a moron, please stop reading and navigate to other sites instead.

Wednesday, May 09, 2007

Dolor

Nasaktan ako kagabi. Nadapa, sumubsob at nasugatan. Malamang masakit ang sugat na natamo ko. Nagdurugo pa rin ito hanggang ngayon. Iniisip ko lang kung paano ko ito gagamutin. Kulang sa gamit, walang kasama sa bahay. Isang bote lang ng alcohol ang meron ako, at ilang cotton swabs. Binuhos ko ito sa bandang tuhod ko at dagling pinanglinis sa sugat gamit ang swabs. Mahapdi. Pero kailangang tiisin ang sakit para gumaling. Kaya nga naman sumasakit kasi umeepekto na yung alcohol. Matapos matuyo ang sugat ko nilangyan ko na ito ng band-aid. Ayos na. Maliban sa kulay kahel na band-aid na nakadikit sa balat ko para na ring walang nangyari sakin.
Nitong umaga lang bumisita si Mang Esteban sa bahay. Tulad ng dati hangad niyang magbayad na kami ng renta sa inuupahang bahay. Naalala ko na nagpadala nap ala sakin sina inay ng lingguhang allowance ko. Wala na rin akong nagawa kaya’t binayaran ko na rin ang pinagkakautangan ko. Si Mang Esteban. Hindi naman talaga siya nakakatakot tulad ng iniisip ng iba. Hindi lang talaga siya maintindihan ng mga tao. Paano ba naman laging nakakunot ang noo, magkasalubong ang kilay at nakasimangot. Parang pasan niya ang lahat ng problema ng daigdig sa balikat niya. Madalas siyang magsungit lalo na sa mga hindi niya kakilala maliban na nga lang kapag interesado yung tao na yon na kumuha ng unit sa apartment niya. Misteryosong tao si Mang esteban. Kasing misteryoso ng pangalang lagi niyang binibigkas.
Nakuwento minsan ng isang kapitbahay ang tungkol sa pangalang Dolor. Ayon sa kanya, bago pa man ako napadpad sa apartment ni Mang Esteban, may isang dalaga na tumra sa unit na tinitirahan ko ngayon. Isang kolehiyala, mahaba ang buhok, maputi ang balat, balingkinitan ang katawan. Habulin siya nga mga kalalakihan. Kaya’t hindi na rin nakakagulat na kabila-kabila ang mga nobyo niya. Noong una niyang nakita ang babae, ang tanging interes lang ni Mang Esteban sa kaniya ay ang kaniyang intensyong manirahan sa apartment. Pero tulad ng ibang kalalakihan, nabighani rin sa kaniya ang landlord, na singkwenta anyos ang edad. Sa unang pagkakataon, tumibok ang puso ng binatang si Mang Esteban. Tinangka niyang manligaw sa babae. Pero mas lalo pang natakot ang dalaga kaysa matuwa. Dahil dito, napilitan ang babae na lumipat ng tirahan. Hindi na siya muling nakita ni Mang Esteban.
Nagkita kami ni Clarisse bago ako nadapa. Buti na lang di niya nakita. Dyahe naman kung nagkataon. Matagal din akong nagpakahirap bago ko nakuha si Clarisse. Ilang lalake rin ang hinamon ko ng suntukan para lang sa kaniya. Naging maganda naman ang epekto. Napasaakin na nga siya sa kabila ng mga pasang naging parte na ng mukha ko. Pero marami pa rin ang hindi ko alam tungkol sa kaniya at ganoon din naman siya sa akin. Kaya napagdesisyunan namin na para sa ikakaganda ng aming relasyon kailangan naming matuto na maging totoo sa isa’t-isa. Bukas na bukas, kakausapin ko na siya. Kund di lang talaga sa ID na ito….

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

WOW! may gf ka ulet!? OMGXD

11:27 PM  
Blogger Unknown said...

hmm.. based on real life ba iyan? wahaha.. nalulunod ako sa tagalog. buong entry eh pure tagalog. maliban sa "cotton swabs" at alcohol na wala nmang pingkaiba ang tagalog. hehe.. steeg.!=]

1:34 AM  

Post a Comment

<< Home