Cannot find server

WARNING: This blog contains material which are incomprehensible to the dimwitted. If you happen to be a moron, please stop reading and navigate to other sites instead.

Saturday, July 16, 2005

ala..

ayun..grabe dami na pla ngyari..6 weeks na ako sa LB..tas andame na plang naganap..waw..ibang klase..

sa ngayun, nallungkot ako..ewan ko kung bakit..probabaly a mild case of pagsesenti..3 araw din akong ganun..haaay..buti nalang andun si Bossing..wahaha..me pinagsisilbihan na kame dun sa LB..tas me uniform pa kme..ung batchshirt..tas sa Wensdey, susunduin namin xa sa may Vet. Med. in complete uniform..wahaha..asteg..lalang..lakas talaga ng trip ng babaeng yun..ewan..pero masaya xa kasama..wahahaha..

BUT IT STILL DOES'NT FILL THE VOID

ayun,,malungkot pa rin..kahit nakausap ko na sa mcdo kagabi, nalulungkot pa ren ako..ewan..it's times like this na kinaiinisan ko ang internert..buti nalang di lage..hehe..ayun..di ko pa ren maialis sa isip ko..parang me nagbago kc eh..haay..

Saturday, July 09, 2005

sorry

ayun..

gs2 ko lang magsori..

bakit?

una..dun sa mga tao na nakatanggap at makakatanggap ng testi na bastos mula sa account ko..sori..nahack kc account ko..cguro dahil sa d ako nkapaglogout sa pc shop na pinasukan ko..ayun sori po..

tas dun sa isa..

sori kc nalabuan ka..kya ako ngssori kc..malabo den eh..marami nakong nagawa sau..tas llagi pa kitang kinukulit..nakonsensya lang ako..tas..bsta..ngddrama lang talaga..cnxa sa malabong response..bsta yun..

Friday, July 01, 2005

love's stupidity

Isang araw may isang babae na namamasyal sa mall. Kakatapos nya lang maglaro kasama ang kaniyang mga kaibigan sa arcade at sila ay naghiwahiwalay napara umuwi. Gusto pa sana ng babae na kumain pero pang pamasahe nalang ang pera nya. Sa kanyang paglalakad napadaan siya sa isang clothing shop na may nakadisplay na isang napakandang damit. Nang makita nya ito, siya ay nabighani. Gusto na nya sana bilhin ung damit pero wala na nga siyang pera kaya umuwi nalang siya ng malungkot. Ang masama pa non, ung damit ay nagkakahalagang P2000. Sa kanyang paguwi hanggang sa kanyang pagtulog, ang damit na yun ang nasa isip nya. Bago siya nilamon ng antok nakapagdesisyon siya na bibilhin nya ung damit. Dahil nahihiya siyang humingi sa mga magulang nya umisip siya ng paraan kung paano kumita ng pera. Binawasbawasan na nya ang kanyang gastos at halos di na siya kumain. Hanggang sa isang araw nakalikom na siya ng P2000. Dagli siyang pumunta sa mall upang bilhin yun. Pero pagdating niya sa shop, ang kaniyang ngiti ay nawala. May nakabili na ng damit. At nakita pa niya ang mga pangyayari. Nakita niya kung pano kinuha ng ale ang damit sa isang magarbong sabitan. Nakita niya kung pano isinukat ng ale ang damit na bagay na bagay sa kaniyang perpektong katawan. Nakita niya kung pano inabot ng ale ang pera niya sa cashier at umalis at nawala. Labis ang kalungkutan ang kaniyang naramdaman. Nasayang ang kaniyang pagod at pagsasakripisyo. Parang gusto na niyang umiyak. Pero nagkaroon naman siya ng pagasa nang bumalik ule siya sa mall, ay nandun muli ang damit na gusto niya. Pero tumaas na ang presyo nito. Di na rin siya makaipon dahil ginagastos niya ang pera niya sa mga importanteng bagay. Nagdadalawang isip na siya kung gusto pa rin niyang bilhin ang damit pero di siya sumuko. Isang araw, habang binibilang niya ang kaniyang ipon, may lumapit sa kaniya na nagbebenta ng damit. Pinakita niya sa babae ang isang damit na halos pareho ng disenyo at ng telang ginamit sa damit na gustong gusto niya. At napakababa din ng presyo ng damit. P300 lang. Pero tumanggi ang babae sa alok ng nagbebenta. Di siya sigurado kung peke ba o hinde ang binibenta sa kanya. Kaya ang atensyon niya ay nasa mamahaling damit pa rin. Pero tulad niya, di ren sumusuko ang angbebenta. Araw araw niyang kinukulit ang babae at binababaan pa niya ang presyo ng damit para lang bilhin niya ito. Kulang nalang ibigay na niya yung damit eh. Dahil dito, tinanong niya sa nagbebenta kung bakit ba niya pinagpipilitan sa kaniya na bilhin ang damit. Ang sagot ng nagbebenta: "Ayoko kasi na nakikita kita na nahihirapan at nalulungkot dahil lang sa damit na iyon."

Ayun. Di parin niya binili(read: kinuha) ung damit. Sa ngayon, sinasabi niya na wala na siyang balak bilhin ang damit sa mall. Di pa rin niya binibili ang damit sa nagbebenta. Ilang beses ng nagtangka ang nagbebenta na tumigil na pero di niya magawa. Kaya nagdesisyon siya na kukulitin pa rin niya ang babae na bilhin ang damit.

Kahit wala ng bayad.

*love sucks.

-naicp ko bka me magalit sakin dahil sa post na 2..gs2 ko magsori..haaaaay