tu-lala...
"..when I look in her eyes, I see what kind of man I would me..
I feel strong and weak at the same time.."
-Peter Parker, from the movie Spiderman
Di kita mapipigilan sa mga gusto mo
kung nais mong ako'y lumayo
ngunit sa oras na iyong maramdaman
na ang iba'y ika'y paglaruan
Ako'y langing andito
Ako'y laging anjan
handa kang samahan
magpakailanman
sa tuwina't ikaw ang napupuna..
laging iniisip kung san pupunta..
di mawaglit sa aking isipan..
ang kagustuhang ika'y mahagkan..
sa tuwina't aking napupuna..
malalim na lungkot sa iyong mga mata..
ayaw mong sabihin, ayaw mong liwanin..
kahit na ako'y handa kang dinggin..
Di mo kailangang maglihim
kung ayaw mong may masaktan
dahil ang gusto ko lang ay damayan ka
magpakailanman..
hindi mapigilan ang sarili..
na ngumiti pag ika'y nakikita..
kaya't aking taimtim na dasal..
na sa paningi'y di na mawala..
araw-gabi, ikaw lang ang nasa isip..
bawat segundo ayaw ka limutin..
laging ikaw ang naaalala..
maging puso ko'y iyo na..
Ngayon ako ay nagsusumamo sa'yo
upuang ang aking mundo'y di maguho
dahil aking buhay sa'yo umiikot
kaya't ako'y di susuko
Kahit kailan ako'y maghihintay
dahil sa'yo ayaw ng mawalay
kahit na di na kita makita
itong nararamdaman sayo'y di mawawala...