mula sa prengster..
para sa'yo(abridged)
sa loob ng isang segundo marami ang pwedeng mangyari..sa loob ng pitong buwan isang buhay ang pinanganak..isang samahang di kailanman matitibag ng martilyo ng pagbabago..sa loob ng pitong buwan isang istorya ng pagibig ang nasimulan..at ngayo'y nalalapit ng matapos..hangga't ang mga tauhan sa naturing kwento ay di magkikibuan..kailan lang nang nabuksan ang isang aklat na halos lamunin na ng alikabok..ilang pagbuklat lang ng pahina at muli itong nabigyan ng buhay..napagmasdan ng mga nagbabasa ang isang napakagandang relasyon ng dalawang magkaibang nilalang na animo'y pinagtagpo ng tadhana..pero, katulad nga ng sabi-sabi, ang oras ay mabilis lumipas kapag tayo'y nagsasaya..dagling natapos ng walang mariing babala ang ligayang nakasanayan na ng mga bumabasa..isang pahina na ang napunit at napansin ang pagtanda ng aklat na dala ng kumot ng alikabok..ngayon, nanganganib nang mamatay ang istoryang lubos na kinagiliwan..isang pagiibigang aking nakita at napakinggan..dalawang taong labis na napaglaruan..pinakitaan ng mga larawang kailanman ay di nila maiintindihan..nasabihan ng mga katagang napakalalim para sa kanila..dalawang taong nabiktima ng masalimuhot na pakikialam ng tadhana..
paano nga ba nagsimula ang lahat?sa isang selebrasyong pumukaw sa ispian ng marami..at sa selebrasyong ito, isang rebelasyon ang aking nasaksihan..lubos na ligaya..walang makakapantay sa sayang dulot ng isang dilag na hindi ko inaasahang pagbubuntungan ko ng naguumapoy kong damdamin..simula noon, ang kapalaran ng dalawang tao ay naselyuhan na ng dalawang tali sa kanang paa..mula doon isang sumpa ang nabuo..na sa kabila ng lahat hindi mawawala ang isa't-isa..pero hindi ginusto ng tadhana ang mga pangyayari..at mabilisan nitong pinutol ang tali..walang nakakalam ng tunay na dahilan..kaming dalawa, pareho naming hindi naiintindihan..gulung-gulo ang mga isipan..hindi malaman ang susunod na hakbang..ang pagkakaibigang inaasam ay kailanman di na magkakatotoo..dahil lamang sa tadhana..
"putulin man ang tali ay sadyang walang kawala.."
-Spongecola, Una
0 Comments:
Post a Comment
<< Home