Cannot find server

WARNING: This blog contains material which are incomprehensible to the dimwitted. If you happen to be a moron, please stop reading and navigate to other sites instead.

Wednesday, June 08, 2005

dapithapon

nakaupo sa may dalampasigan
nakatitig sa pulang kalangitan
pinapakingan ang mga sumasayaw na alon

magisa sa dapithapon
magisang nalulungkot
akala ko'y nasa langit na ako

bakit pa natutong magmahal?
kung lagi rin namang masasaktan

nakahiga sa buhangin
nakatingala sa liwanag ng buwan
pinapakiramdaman ang lamig ng hangin

magisa sa dapithapon
magisang nagdadrama
siguro talagang wala na

bakit pa natutong magmahal?
kung ako'y di mo pagbibigyan