masaya...
"..ang pagibig..
ganyan talaga...
ako'y nilamon ng pagibig..
ganyan talaga...
masaya......"
ewan..nang marinig ko yung mga linyang yan, pinatay ko bgla yung radyo..di ko alam kung ano ang nagtulak sakin para gawin yun..di ko na lang namalayan na me luhang tumulo mula sa mata ko..di ko maintindihan bat ngyari yun..masaya nman ako nitong mga nagdaang araw..wala namang nangyari na dapat kong ikalungkot o iyakan..hmmm..siguro madrama lang talaga ako..
mahilig ako magpakasenti..ung magisa ka lang..tapos nakikinig ng mga kanta ng Rivermaya, Sugarfree, Spongecola..kahit mahilig ako sa atensyon, me mga oras na gusto ko lang talaga magisa para makapagisip..at makinig lang sa mga kantang me mga lirikong sobrang patama sakin..hmmm..cguro dahil sa sobrang pagkasenti ko eh naging baduy na madrama na makata ako..ewan..basta pag nasa mood ako, bigyan nio lang ako ng panulat tsaka papel at voila! instant tula..kadalasan pag wala talaga akong magawa(tulad ngayon) mga kung anuano ang mga naiisip ko na gusto kong isulat..masyado talagang malawak imahinasyon ko(at dahil dun kaya ako laging problemado) kaya marami akong nalalaman(meron nga ba?)..sa totoo lang, pag nakakatapos ako ng isang buong tula, natutuwa ako sa nagawa ko..parang hindi ako ang gumawa..tawagin nio na akong mayabang pero subukan nio ring gumawa ng isang bagay at pag nakita niong napakaganda ni2, matutuwa din kayo..
tula..ano ba ang meron sa mga tula?mga salitang magkatugma?yun naman kasi yung madalas hinahanap sa isang tula eh..pero pag wala ng tugma, hindi mo masasabing tula din yun pwera na lang pag nakaayos ng by stanza o pag sinabi ng gumawa nito..hmmm..minsan ganun din ang pagibig..di mo masasabing nagkakagusto na ang isang tao sayo kahit napakalantaran na nia kung hindi nia sasabihin sayo..ganun nman diba?ginagawa mo na ang lahat para sa kanya..pinapakita mo sa kanya na mahal mo xa..kulang na lang ipagsigawan sa mundo..PERO..hindi nia yun papansinin..hindi nia iisipin na napaibig ka na nia hangga't di mo sasabihin..
matapos ang ilang segundo ng pagdadrama, bigla ko na lang naisip ang dahilan kung bakit ako nagkaganon..ipinakita ko na sa kanya..sinabi ko na sa kanya..pero bat ganun pa rin?wala pa ring nangyayari?siguro meron pang ibang paraan kung paano mo masasabi kung ang isang talata ng salita ay isang tula..
siguro meron pang paraan kung pano nia ako maiintidihan..
siguro meron pang paraan para ako'y maging masaya..
3 Comments:
aLex.. aLam mo naMan na kasama mo ako sa senti modes mo eh.. wakokoko.. onga paLa.. paLitan mo interface ng bLog mo.. me pagka cOrny yan pag nagLaon.. wakoko!!Ü
Where did you find it? Interesting read » » »
akosialex.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading akosialex.blogspot.com every day.
payday loans edmonton
pay day loans
Post a Comment
<< Home